-- Advertisements --

Binigyang linaw ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na wala pang mangyayaring pagtaas sa pamasahe sa mga pampasaherong jeep at bus.

Ayon sa LTFRB na kanila munang pansamantalang ipinagpalibang ang taas pamasahe dahil sa hinihintay nila ang economic impact mula sa National Economic and Developmenet Authority o NEDA.

Giit ni LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III na ang taas pasahe ay dapat balansehin sa interest ng mga operators ng pampublikong sasakyan ganun din ang epekto sa mga mananakay.

Maglalabas na lamang sila ng update sakaling mayroon ng pag-aaral na ilabas ang NEDA.

Una ng sinabi ng LTFRB na maaring ipatupad ang P1 na dagdag pasahe sa mga pampasaherong jeep sa susunod na linggo dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.