Naniniwala ang Department of Health (DOH) na kaya tumataas ang bilang ng mga recoveries sa COVID-19 sa bansa ay dahil nagkaroon na ng sapat na karanasan ang mga doktor sa limang buwan ng pandemic.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Vergeire, nakakabisado na ng mga doktor kung paano gamutin ang isang COVID-19 patient kaya dumarami na ang gumagaling.

Ayon kay Usec. Vergeire, mayroo na rin umanong function of reporting kung saan nalilinis na ang data at naisasali na ang mga recovery cases na dati ay hindi naiuulat ng mga local government units (LGUs).

Kaya aasahan umanong marami pang maidadagdag sa mga listahan ng mga nakakarekober sa mga susunod na mga araw.