-- Advertisements --

Nagtala ang mga bangko sa bansa ng mataas na kita sa unang kalahating buwan ng taong 2025.

Ayon sa preliminary data ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mayroong pinagsamang 4.1 percent na pagtaas o katumbas ito ng P198.14 bilyon.

Ito ay mas mataas kumpara noong nakaraang taon na mayroong P190.26 bilyon lamang.

Ang kabuuang operating income ay umakyat din ng 12.2 percent sa P684.71 bilyon mula Enero hanggang Hunyo kumpara noong nakaraang taon na mayroong P610.3-B lamang.

Isa sa mga nakikitang dahilan ng BSP ay ang steady loan demand at malakas na kita sa trading.