PCG photo

Nag-umpisa nang dumami ang mga naitatalang pasaherong pauwi ng mga lalawigan, bago pa man ang holy week.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesman Capt. Armand Balilo sa panayam ng Bombo Radyo, simula kahapon ay nakapagtala na sila ng mas maraming byahero, kung ihahambing sa karaniwang mga araw.

Gayunman, hindi pa umano ito ang peak dahil madalas na weekend talaga nagpupunta sa mga probinsya ang mga bakasyunista.

Kaya naman, kanselado muna ang bakasyon ng kanilang mga tauhan.

Layunin nitong matiyak ang mahigpit na seguridad sa mga pantalan at maging sa mga dalampasigan ng ating bansa sa ganitong panahon.