Magpapadala ng mas maraming delegasyon ang Pilipinas para sa 33rd Southeast Asian Games na gaganapin sa Thailand sa buwan ng Disyembre.
Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino, maraming mga atleta ang nagsasanay na kung saan ang iba ay nasa ibang bansa para sa training.
Mayroong 1,713 na delegado kabilang mga officials ang ipapadala ng Pilipinas.
Sa nasabing bilang ay 1,300 dito ay mga atleta na nangangahulungan na mayroong mas mataas na 500 na delegado ngayon na ipapadala kumpara noong nakaraang 2023 na SEA Games na ginanap naman sa Cambodia.
Hindi lamang dahil sa maraming mga team sports ngayon ay nais ng POC na mahigitan ang performance ng bansa noong 2023.
Noong 2023 kasi ay mayroong 260 medalya ang nakulekta ng bansa na may 58 gold medals, 85 silvers at 117 bronze.