Namigay ng tulong ang ilang mga artista sa biktima ng magkakasunod na lindol sa Mindanao.

Mula ng kumalat sa social media ang pagtulong na ginawa ni Angel Locsin ay gumawa na ng kaniya-kaniyang paraan ang mga artista para matulungan ang mga residente na naapektuhan ng lindol.

Isa rito ang singer na si KZ Tandingan na sa sariling paraan ay tinulungan ang mga residente ng Davao del Sur.

Namahagi rin ng tulong sina KC Concepcion, Derek Ramsey habang sumama naman sa mga sundalo para tumulong si Gerald Anderson sa kaniyang bayan sa General Santos.

Ilan sa mga dito ay sina Janine Gutierrez, Solenn Heussaff, Marian Rivera, Bianc Gonzales, Robin Padilla at ang mag-asawang Senator Manny at Jinkee Pacquiao.

Ibinahagi rin ng mga artista ang ilang foundation na kanilang sinusuportahan kung saan puwede ipadala ang mga tulong.