ILOILO CITY-Ipinakita ng Police Regional Office (PRO) 6 ang mga armas na nakuha sa Oplan Tokhang kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Oscar Albayalde.

Ito ang kasabay ng pagbisita ni Albayale sa Iloilo kung saan pinangunahan mismo ni PRO-6 Director Police Brigadier General John Bulalacao ang pagsalubong sa PNP Chief.

PNP chief Albayalde

Sakay sa PNP chopper si Albayalde nang dumating sa Camp Martin Delgado sa Lungsod ng Iloilo.

Sa isinagawang command conference, ipinakita ang accomplishment ng PRO-6 sa Oplan Tokhang.

Maliban dito, inilatag rin ang mga ‘best practices’ ng mga pulis sa rehiyon.

Bago pa man nagtungo sa Iloilo, dumalo muna sa graduation ng mga pulis na sumailalim sa basic internal security operation course sa Jamindan, Capiz si Albayalde.