-- Advertisements --

Lumalakas pa ang Bagyong Opong habang patuloy itong kumikilos sa Philippine Sea.

Ayon sa state weather bureau, ang sentro ng bagyo ay nasa layong 670 kilometro silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.

Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na 95 km/h at pagbugso na umaabot sa 115 km/h.

Kumikilos ito pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20 km/h, at ang lakas ng hangin ay umaabot hanggang 450 km mula sa gitna.

Dahil dito, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Northern Samar, northern portion ng Eastern Samar (San Policarpo, Oras, Jipapad, Arteche).

Habang Signal No. 1 naman sa  Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate; Samar, nalalabing bahagi ng Eastern Samar, Biliran, northern portion ng Leyte (Barugo, San Miguel, Babatngon, Tacloban City, Calubian, Leyte, Capoocan, Carigara, Palo)

Inaasahan ang malalakas na pag-ulan, hangin, at storm surge sa mga baybaying lugar sa mga susunod na araw.

Posibleng mag-landfall si Opong sa Bicol Region sa Biyernes, Setyembre 26, bago tumawid sa Southern Luzon.

Pinapayuhan ang publiko na maging alerto at sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan para sa kaligtasan.