-- Advertisements --
cropped EDSA rush hour 3 6

Aprubado na raw ng mga miyembro ng Metro Manila Council, kasama ang Land Transportation Office at Department of Interior and Local Government ang pagpapatupad ng single ticketing system na siyang magiging standard sa pagpataw ng multa sa mga lalabag sa batas trapiko sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ng technical working group na ang bagong sistema ay magiging daan para iisa na lamang ang bayad ng mga multa na inaasahang ipatutupad sa unang quarter ng 2023.

Kapag naging epektibo na ay sa mga local government units na magbabayad ng multa ang mga motorista kung saan sila nakatira kahit na nakagawa sila ng traffic violation sa ibang lugar.

Ang bagong sistema ay magiging daan para sa standardization ng traffic violation fine at mawawakasan naang iba’t ibang multa na ipinatutupad sa iba’t ibang local government units at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Bibigyan din ang mga motorista ng 10 araw para ma-settle ang kanilang multa sa pamamagitan ng digital wallets o payment centers na nakarehistro sa Land Transportation Office at Land Transportation Management System.