-- Advertisements --

Inilagay muli sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal mula Agosto 4 hanggang Agosto 18.

Kasunod ito ng rekomendasyon ng Department of Health Secretary Francisco Duque III matapos na kausapin siya ng grupo ng mga medical workers.

Isinagawa ng pangulo ang anunsiyo matapos niya pulungin ang ilang mga miyembro ng gabinete dahil sa panawagan ng mga health workers na higpitan muli ng gobyerno ang ipinapatupad na quarantine para tuluyang mabantayan ang pagkalat ng COVID-19.

Nanawagan din ang pangulo sa mga health workers na intindihin ang lagay ng gobyerno dahil kailangan din aniya na balansehin ang lahat lalo na ang pakonti-konting pagbubukas ng ekonomiya.

Tiniyak din ng pangulo na pinag-aaralan na nito ang hiling na karagdagang benepisyo sa mga health workers.