-- Advertisements --

Nagdadalamhati ang Philippine Air Force (PAF) sa pagkasawi ng anim nitong magigiting na kasapi matapos bumagsak ang isang Huey chopper habang nagsasagawa ng humanitarian at disaster response mission sa Agusan del Sur noong Nobyembre 4, 2025, kasunod ng pananalasa ng Bagyong Tino.

Kinilala ang mga nasawi na sina: ang mga Piloto Capt. Paulie B. Dumagan at 2Lt. Royce Louis G. Camigla at mga crew na sina Sgt. Yves B. Sijub, Sgt. John Christopher C. Golfo, A1C Ericson R. Merico, at A1C Ameer Khaidar T. Apion.

Ipinapaabot ng PAF ang taos-pusong pakikiramay sa mga pamilya at mahal sa buhay ng mga nasawi. 

Ayon sa pahayag, mananatiling buhay ang alaala ng kanilang kabayanihan, dedikasyon, at tapat na paglilingkod sa bayan.

Binigyang-diin ng PAF ang kanilang sakripisyo ay magsisilbing inspirasyon sa mga susunod na henerasyon ng mga kawal panghimpapawid upang patuloy na maglingkod nang may tapang at dangal para sa sambayanan.