-- Advertisements --

Isinailalim sa orange rainfall warning ang Metro Manila at apat na lalawigan sa Luzon dulot ng Enhanced Southwest Monsoon o Habagat, ayon sa state weather bureau.

Kabilang sa mga lugar na nasa ilalim ng orange warning level ang Metro Manila, Rizal, Bataan, Zambales, at Bulacan. 

Mataas ang posibilidad ng pagbaha sa mga nasabing lugar. 

Samantala, isinailalim naman sa Yellow Warning Level ang mga lalawigan ng Pampanga, Laguna, Cavite, Batangas, Tarlac, at bahagi ng Quezon (kabilang ang General Nakar, Infanta, at Real).

Posible namang makaranas ng pagbaha sa mga mabababang lugar. 

Patuloy ring nararanasan ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan na may pabugso-bugsong malalakas na buhos sa Nueva Ecija at iba pang bahagi ng Quezon (kabilang ang Candelaria, Dolores, San Antonio, Sariaya, Tiaong, Tayabas, Lucban, Lucena, Mauban, Pagbilao, Sampaloc, Agdangan, Alabat, Atimonan, Buenavista, Burdeos, Calauag, Catanauan, General Luna, Guinayangan, Gumaca, Jomalig, Lopez, Macalelon, Mulanay, Padre Burgos, Panukulan, Patnanungan, Perez, Pitogo, Plaridel, Polillo, Quezon, San Andres, San Francisco, San Narciso, Tagkawayan, at Unisan). Maaaring magpatuloy ang mga pag-ulan sa susunod na tatlong oras.