ILOILO CITY – Nahaharap sa kasong murder ang suspek sa pagpatay sa isang menor de edad na lalaki na itinapon sa gilid ng kalsada sa Brgy. Daan Banua, Estancia, Iloilo.

Ang biktima na tinatayang 14 hanggang 16-anyos ay wala pa ring pagkakakilanlan.

-- Advertisement --

Habang ang suspek naman ay si Alberto Barrio, 30, residente ng Pontevedra, Capiz.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay PMaj. Aldren Lamera, hepe ng Estancia Municipal Police Station, sinabi nito na maraming pasa sa katawan ang biktima at may hiwa rin sa ari.

Naniniwala naman ang hepe na posibleng tinorture pa ang biktima bago pinaslang.