LAOAG CITY – Pansamantalang ini-lift ang memorandum na inilabas ng Ilocos Norte Water District hinggil sa pagbabawal sa paggamit ng fire hydrant para sa Palarong Pambansa 2025.
Ayon kay Mr. John Teodoro, General Manager ng Ilocos Norte Water District, mayroon silang naunang memorandum na nagsasaad na ang Bureau of Fire Protection ay ipinagbabawal na gamitin ang fire hydrant sa anumang paraan maliban kung may sunog.
Gayunman, ipinaliwanag niya na dahil sa Palarong Pambansa ay pansamantala nila itong inalis.
Dahil dito, ipinaalam niya sa Bureau of Fire Protection na maaari nilang gamitin ang mga fire hydrant kahit saan.
Kaugnay nito, binigyan aniya nila ang Bureau of Fire Protection ng kopya ng location maps kung saan matatagpuan ang mga serviceable fire hydrant.
Dagdag pa niya, handa sila sa anumang emergency na maaaring mangyari kung saan may tatlong water truck na handang maghatid ng tubig para sa mga billeting areas.