-- Advertisements --

LAOAG CITY – Inaasahang tataas ng P1.00 per kilowatt hour ang singil sa kuryente dito sa lalawigan ng Ilocos Norte dahil sa epekto sa nagyayaring kaguluhan sa Middle East.

Ito ay ayon kay Ilocos Norte Electric Cooperative General Manager Cipriano “Perry” Martinez.

Paliwanag ni Martinez na hindi nila kagustuhan na tumaas ang singil sa kuryente sa lalawigan, kasabay ng paghingi nito ng dispensa sa mga member-consumers.

Hinggil ditto, nagpanawagan ni Martinez sa lahat ng opisina, ahensya at kahit sa mga residential na magtipid ng kuryente.

Dagdag niya na magisyu ito ng memorandum sa lahat ng opisina ng kooperatiba para sa gagawing pagtipid ng kuryente, at makikoordina rin siya sa lahat ng local government units sa Ilocos Norte para makapagbigay ng gagawing hakbang kung paano makatipid ng kuryente.