Nilampaso ni Daniil Medvedev si Stefanos Tsitsipas sa semifinal rounds gn Australian Open.

Nakuha ng Russian tennis star ang score na 6-4, 6-2 at 7-5 para makapasok sa unang pagkakataon sa finals ng nasabing torneo.

Nabigyan pa ng tsansa na makalamang ang Greece tennis star ng makalamang ito sa ikatlong set 5-4.

Ibinahagi ni Medvedev ang kaniyang sekreto nsa pagkapanalo ay ang pagiging kalmado sa laro.

Makakaharap naman nito sa finals si Serbian tennis star Novak Djokovic.

-- Advertisement --