Tinanghal bilang Boxer of the Decade ng prestihiyosong Boxing Writers Association of America si undefeated boxer Floyd Mayweather Jr.

Tinalo nito sina Canelo Alvarez at Manny Pacquiao sa nasabing posisyon.

Ang iba pang mga pangalan na tinalo ni Mayweather ay sina Shane Mosley, Victor Ortiz, Robert Guerrero, Miguel Cotto, Marcos Maidana, Andre Berto at UFC star Conor McGregor.

Pinasalamatan naman nito ang nasabing grupo dahil sa pagboto sa kaniya.

Nakuha naman ni Alvarez ang Fighter of the Year matapos magwagi ng dalawang beses noong nakaraang taon.

Kung maalala unang tinalo nito si Daniel Jacobs para sa unified middleweigth titles noong Mayo at si Sergey Kovalev sa WBO light heavyweight titlist noong Nobyembre.

Ang iba pang pinagpilian sa Fighter of the Year ay sina Noaya Inoue, Errol Spence Jr., Josh Taylor at Pacquiao.