Nagpahiwatig ng rematch si US boxing champion Floyd Mayweather Jr kay Conor McGregor.

Ito ay matapos na magwagi sa loob lamang ng 40 segundo ang Irish UFC fighter laban kay Donald “Cowboy” Cerrone sa Las Vegas nitong Linggo ng umaga.

Sa kaniyang social media account, nag-post si Mayweather ng larawan nila ni McGregor.

Hind na nagbigay pa ng detalye si Mayweather kung ano ang ibig sabihin nito sa kaniyang post.

Magugunitang tinalo ni Mayweather si McGregor sa paghaharap nila noong Agosto 2017.