May bagong makakaharap si dating Olympian boxer Eumir Marcial bilang undercard kay Manny Pacquiao versus Mario Barrios sa araw ng Linggo , Hulyo 20, 2025 sa Las Vegas.
Sa orihinal kasi na nakalista para sa walong round na laban ng 29-anyos na Tokyo Olympics bronze medalist ay si Mexican Alexis Gaytan.
Subalit dahil sa hindi na binanggit na injury ng kaniyang kampo ay umatras na lamang ito sa laban.
Itinakdang ipapalit kay Gaytan sy si Bernard Joseph ng US.
Huling lumaban kasi si Marcial ay noong nakaraang taon ng talunin sa ikaapat na round sa pamamagitan ng knockout si Thoedsak Sinam.
Habang huling lumaban ang 35-anyos na American boxer noong nakaraang buwan ng talunin siya ni Casey James Streeter sa Portland.
Mayroong recod si Marcial na limang panalo at wala pang talo habang si Joseph ay mayroong 11 panalo, dalawang talo at limang knockouts.