inday sara duterte
Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio

DAVAO CITY – Wala pang ipinalabas na pahayag si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa alok ni Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon ALvarez na reconciliation.

Nauna nang inihayag ni Alvarez na handa na umano siya na makipag-reconcile sa kanyang mga nakaaway sa politika, kasama na si Mayor Inday Sara, kung saan nagkaroon ito ng mainit na alitan bago pa man siya napatalsik bilang House speaker noong Hulyo ng nakaraang taon.

Ginawa ni Alvarez ang kanyang pahayag limang araw matapos nanalo ang buong partido nito na PDP-Laban sa nakaraang halalan at tinalo ang mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago ni Mayor Sara kasama na ang tatlong miyembro ng political clan ng mga Floreindo at Del Rosario sa probinsiya ng Davao del Norte.