DAVAO CITY – Nababahala umano ngayon ang Presidential daughter na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio matapos nag-positibo sa coronavirus disease (COVID-19) si senador Sonny Angara.

Inihayag ni Mayor Sara na hinihintay pa niya ngayon ang sagot ng kanyang doktor kung ano ang kanyang gagawin kung lalabas na o kaya ipagpatuloy pa rin ang pagsasailalim sa self quarantine.

Ngayong araw nakatakdang matatapos na ang 14 day quarantine period ni Mayor Sara matapus sumailalim sa self quarantine

Kwento ng presidential daughter na noong Marso 11 pumunta siya ng senado upang tanggapin ang kanyang confirmation sa Committee on appointment para sa kanyang promotion isip colonel ng Philippine Army Reserve Force (PARF).

Sa naturang okasyon, tatlong mga senador umabo ang nagging direct physical contact ni Mayor Sara na kinabibilangan nila senador Koko Pimentel, Migz Zuberi at Sonny Angara na pawing nag-positibo sa coronavirus disease.

Ang pahayag ni Davao city mayor Sara duterte