DAVAO CITY – Kinumpirma ng tagapagsalita ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na muling tatakbo bilang alkalde ang opisyal sa susunod na taon.

Sinabi rin ni spokesperson Liloan, Cebu Mayor Christina Frasco na muli ring tatakbo sa pagka-bise Mayor ang kapatid nito na si incumbent Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte.

Kung maalala, nagdesisyon si Mayor Inday na hindi tatakbo sa mas mataas na posisyon matapos kumpirmahin ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte na tatakbo ito bilang Vice President sa eleksiyon.

Una nito, nanawagan na rin ang alkalde sa kanyang mga supporters na suportahan ang kanyang ama sa kandidatura nito.