-- Advertisements --

Dismayado si Manila City Mayor Isko Moreno sa muling pag-vandalize sa ilang mga pampublikong lugar sa Lungsod ng Maynila.

Ito ay kasunod ng isinagawang Baha sa Luneta 2.0 nitong Nobyembre 30 kung saan nagsagawa ang mga ralyista ng programa sa Luneta at tuluyang nagmartsa papuntang Mendiola.

Lumalabas na habang nagmamartsa ang ilang ralyista ay minamarkahan din nila ang ilang public structures na kanilang dinaanan tulad ng tulay at mga marker sa kalsada. Ang ilan sa mga protester ay nagdala at gumamit pa ng mga spray paint na gin

Katwiran ng alkalde, ang mga protester ay nagpoprotesta para sa tamang paggamit ng pondo, pero sila rin ang dahilan ng pag-aaksaya sa naturnag pondo.

Aniya, ang perang dapat ay napupunta para sa serbisyo publiko ay mapupuna muli sa paglilinas sa mga kalat at mga iniwang vandalized public structures sa naturang lungsod.

Agad ding ipinag-utos ng alkalde ang paglilinis sa mga lugar kung saan idinaos ang mga protesta nitong araw ng Lingo.

Kasama rito ang pagtanggal sa mga iniwang tarpaulin, effigy, atbpang mga bagay, kasama ang paglilinis sa mga istrakturang sinulatan ng mga ralyista.