Nagbigay babala ang kasalukuyang alkalde sa lungsod ng Maynila na si Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga kontratista bigong makapagbayad ng kaukulang buwis.
Kanyang binalaan ang mga flood control projects contractors na bayaran ang nasa P247 million ‘unpaid taxes’ sa Maynila.
Base aniya sa ulat ng Office of the City Treasurer, sa 305 flood control projects sa lungsod, tanging siyam lamang rito ang ‘compliant’.
Sumatotal nasa 8-milyon lang ang nakolektang buwis na ibinayad ng mga contractors ng maanomalyang proyekto ng pamahalaan.
Ang mga naturang proyekto aniya ay mula bago pa mag-2024, hanggang sa kasalukuyan na nakasulat rin sa listahan nakapaloob sa sumbongsapangulo.ph.
“What will be the action of the city? We will make sure, paalala at babala na rin sa ibang ahensya ng gobyerno, na itong mga hindi magco-comply na kumpanya will be blacklisted at the City Engineering Office and the Office of the City Building Official,” ani Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso.
Dagdag pa ng naturang alkalde, ang pag-ban ay bilang pagpapakita at babala sa mga opisina ng gobyerno at private firms na i-check ang kanilang ‘contractor’s status’ sa lungsod bago pumasok sa isang kontrata.