Mayor Herbert Bautista
Herbert/ IG post

Ang pagbabalik sa showbiz ang isa sa plano ngayon ni Quezon City Mayor Herbert Bautista kapag natapos na ang kaniyang termino sa Hunyo 30.

Ipinagmalaki nito na masaya siyang mamahinga dahil sa tagumpay na kanilyang mga nagawa sa kaniyang panunungkulan.

Hindi nito ikinaila na sa showbiz ito nagsimula kaya kung may tsansang mabigyan ng pagkakataon para makapagtrabaho sa showbiz ay hindi nito tatanggihan.

Magugunitang umabot sa 33 taon na naging opisyal ng Quezon City si Bautista na nagsimula sa pagka-konsehal hanggang maging alkalde.