May natukoy na umanong persons of interest na sinusundan ang Philippine National Police (PNP) sa mga suspek na nasa likod sa pananambang sa mga miyembro ng PDEA noong Biyernes sa Lanao del Sur.

Ito ang kinumpirma ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde sa isang press conference sa Camp Crame.

Ayon kay Albayalde, naglabas na siya ng direktiba sa Regional Police Director ng PRO-11 para paigtingin ang imbestigasyon kaugnay sa insidente.

Isa aniya sa tinitingnan nilang motibo sa ambush ay may kinalaman sa anti-drug campaign ng PDEA .

Kasama rin sa pinaiimbestigahan ni Albayalde ay ang ulat na iniwan ng mga pulis ang mga PDEA agents.