Simula na ngayong araw ang pag-iikot ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at Region 12, partikular sa South Cotabato.
Ito’y para masiguro ang kahandaan ng mga pulis sa halalan sa Lunes, March 13, partikular sa mga itinuturing na “election hot spots.â€
Una nang sinabi ni Albayalde na hanggang bukas siya mag-iinspeksyon sa Mindanao kung saan may pinakamaraming bilang ng election hot spots.
Nais kasi ng PNP chief na personal i-assess ang sitwasyon at tignan ang latag ng seguridad sa Mindanao.
Una nang inikot ni Albayalde ang mga lugar sa Luzon at Visayas kung saan kontento siya sa ginawang paghahanda ng mga regional police commanders.
Aniya, may mga dagdag na tropa na rin mula sa PNP Special Action Force (SAF) ang nasa Mindanao.
Iniulat ni Albayalde na sa ngayon ay tumaas ang bilang ng mga hot spots sa 946 mula sa 943.
Naidagdag na rin ang Moises Padilla sa Negros Occidental sa mga lugar na under control ng Commission on Elections (COMELEC) kasama ng Daraga, Albay at Cotabato, at ikinukonsidera na rin aniya na maisailalim sa COMELEC control ang Abra.
Nagpahayag naman ng kumpiyansa si Albayalde na handang-handa na ang PNP, pero hindi pa masasabi na “fool-proof†ang kanilang preparasyon hanggang sa makaraos ng mapayapa at maayos ang eleksyon.