-- Advertisements --

Maagang nag-abiso na ang North Luzon Expressway (NLEX) Corp. na asahan ang matinding trapiko sa bahagi ng Philippine Arena dahil sa konsiyerto ng Kpop group na Blackpink.

Gaganapin kasi ang concert ng grupo sa Nobyembre 22 at 23 para sa kanilang “Deadline” tour.

Pinayuhan ng NLEX na ang mga motorista ay mag-load na ng kanilang RFID ay planuhin ng maaga ang biyahe.

Habang ang mga manonood ng concerts ay maarng dumaan sa NLEX Cuidad de Victoria exit habang ang mga motorista na patungo sa Bocaueo Santa Maria ay hinihikayat na gumamit ng rutang Marilao Bocaue o Tambubong exits.

Tiniyak ng NLEX na mayroong silang ipapakalat na mga tauhan nila para umalalay sa mga motorista.

Ang “Deadline” show ay muling pagbabalik ng Blackpink sa bansa ng mahigit dalawang taon.

Huling bumisita sa bansa ang grupo ay noong Marso 2023 para sa dalawang araw na “Born Pink” tour na ginanap din sa Philippine Arena.