-- Advertisements --

Tinalakay sa naging pagdinig ng Committe on Agriculture, Food and Agrarian Reform na siyang pinangunahan ni Senator. Francis ‘Kiko’ Pangilinan kasam sina Sen. Rodante Marcoleta at Sen. Imee Marcos bilang mga Vice Chairperson ng naturang komite.

Sa talakayan, napansin ni Pangilinan ang naging mataas na presyo ng mga basic commodities ngayong kasalukuyang taon kumpara noong 2018.

Halos 50% kasi ang itinaas ng mga pangunahing bilihin gya ng mga karneng baboy, kamatis, sibuyas at maski ang bigas.

Ayon kay Pangilinan, layon ngayon ng kanilang pagdinig na talakayin ang mga problemang kinakaharap ng agriculture sector na siyang nakikitang dahilan kung bakit tumataas ang mga presyo ng mga bilihin sa mga pamilihan.

Ayon naman kay Marcoleta, maraming mga batas ang naipatuapd ng kongreso na siyang maaaring magamit ng agriculture sector kung maayos lamang itong maipapatupad at magiging maayos din ang implementasyon nito.

Aniya, mas magiging epektibo ang pagpapagamit ng pondo o loans sa mga lokal na magsasaka kung maayos ang magiging implementasyon ng mga batas na kasalukuyang naipautpad na hinggil dito.

Kaya naman binigyang diin ni Marcoleta na malayo pa ang Pilipinas sa tinatawag na food security at maski sa food sufficiency ay nangangpa pa rin ang sektor ng agrikultura ng bansa.

Tinumbok din ng senador ang relasyon ng production at maging ng demand para magkaroon ng sufficient at sapat na pagkukunan ng pagkain na siya namang ihinalintulad ng senador sa bansang Singapore na may sapat na pagkukunan ng pagkain dahil mayroong suffieciency at magandang produksyon.

Samantala, binigyang diin naman ni Pangilinan na nitong Mayo 19, isiniwalat mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang mga opisyal ng gobyerno ang nasa likod ng talamak na rice smuggling sa bansa at sinabing mula dito ay kumikita sila.

Kaya naman agad na kinwestiyonni Pangilinan kung bakit tatlong buwan na ang nakalipas ay walang pinanglanan, walang nakulong at walang napanagot sa bats sa mga iligal na gawain na ito.

Sa kasalukuyan naman ay kinumpirma ni Pangilinan na sumasailalim na sa talakayan at pakikipagugnayan ang agriculture sector sa mga katuwang na ahensya nito at magng sa mismong komite na ito upang agad na masolusyunan ang isyu sa mataas na presyo ng mga bilihin at gawin itong abot kaya para sa pangangailangan ng publiko.