Nagbitiw sa kaniyang puwesto ang mataas na opisyal ng Pentagon na si Kathryn Wheelbarger.

Si Wheelbarger ay itinuring na prominente at respetadong policy official ni US President Donald Trump.

Hindi naman binanggit nito ang dahilan ng pagbibitiw sa puwesto matapos ang mahigit na tatlong taon na pagtatrabaho.

Noong Pebrero 13 ay pinangalanan siya ng White House na itatalaga sa senior intelligence position pero noong nakaraang taon ay napili si Bradley Hansell ang dating special assistant ni Trump.

Sinasabi naman ng ilang mga mambabatas na kaya ito nagbitiw sa puwesto ay dahil sa pagtatrabaho niya noon kay late Republican Senator John McCain na naging kritiko na Trump.