Pinapayagan nang makaalis patungong Israel ang mga returning overseas Filipino workers o Balik-Manggagawa.
Subalit, ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, hindi pa rin inirerekomenda sa ngayon ang deployment ng mga bagong hired workers.
Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang kaligtasan ng OFWs sa Middle East kasabay ng patuloy na pagprayoridad ng DMW sa kapakanan at proteksiyon ng OFWs kasunod ng pagbaba na ng crisis alert level sa Israel sa Alert Level 2 o restriction phase.
Ayon sa kalihim, sa ilalim ng Alert Level 2, pinapayagan ang returning OFWs na may valid contracts na bumalik sa kanilang employers sa Israel.
Tiniyak naman ng DMW chief na susundin ng ahensiya ang lahat ng deployment rules sa pakikipagtulungan sa Department of Foreign Affairs (DFA) partikular na para sa newly hired workers na ang deployment ay magpapatuloy lamang sa oras na magkaroon ng karagdagang security assessments.
Samantala, hinihimok ang mga OFWs na nangangailangan ng tulong na tawgan ang pinakamalapit na Migrant Workers Office o 24/7 hotline ng ahenisya para sa agarang suporta.