-- Advertisements --

LAOAG CITY – Nanatiling buo ang suporta ng mga opisyal ng lalawigan ng Ilocos Norte sa magkapatid na Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Senator Imee Marcos.

Ito ang siniguro ni Governor Cecilia Araneta-Marcos at lahat ng mga alkalde sa lalawigan.

Ito ay tungkol sa iba’t ibang isyung kinakaharap ng kasalukuyang administrasyon.

Sinabi niya na sinusuportahan nila si Marcos dahil siya ang pangulo ng bansa at lalo’t taga-rito rin siya sa Ilocos Norte.

Sinabi ni Gobernador Marcos na susuportahan niya kahit si Senador Imee dahil siya lang ang senador mula sa lalawigan.

Hinggil dito, sinabi ng gobernador na tungkol naman sa isyu sa pagitan ni Pangulong Marcos at ng kanyang kapatid na si Senador Imee Marcos ay hindi sila makikialam dito.

Inihalimbawa niya ang sarili nito sa isang inang nasa gitna at walang pinapaboran dahil suportado niya ang mga ito sa pagsilbi sa bayan.

Dagdag pa niya na ipinagdarasal na lang nila na ang anumang hindi pagkakaunawaan ng magkapatid ay malulutas rin ito.

Samantala, pumirma ang mga alkade sa lalawigan ng isang manifesto na sumusuporta kay Ilocos Norte First District Rep. Sandro Marcos.

Maalala na inakusahan ni Sen. Imee si Pang. Marcos na gumagamit umano ng iligal na droga at may mga banat naman si Cong. Sandro sa kaniyang tiyahin.