-- Advertisements --

Isang sunog ang sumiklab sa isang residential area sa Mindanao Avenue, Quezon City nitong Martes ng umaga, ayon sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR).

Na-report ang sunog bandang ala-6:49 ng umaga, at umabot sa third alarm bandang ala-7 ng umga.

Aabot sa 25 firetrucks ang rumesponde sa sunog. Naideklarang under control ang apoy bandang alas-8:28 ng umaga.

Apektado ng sunog ang humigit-kumulang 50 kabahayan na tinitirhan ng 80 pamilya. Habang isa ang naitalang nasaktan sa insidente.

Wala pang opisyal na detalye ang BFP-NCR tungkol sa posibleng casualties, halaga ng pinsala, o sanhi ng sunog sa ngayon.