-- Advertisements --

Siniguro ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang suporta Administrasyong Marcos sa gitna ng namumuong political tension.

Sa opisyal na pahayag na inilabas ng ARTA, nakasaad dito ang ang commitment ng naturang opisina na suportahan ang desisyon ng pangulo, at ang vision nito na nakapaloob sa Bagong Pilipinas.

Binigyang-diin din ng naturang opisina ang tiwalang ipinagkakaloob ni Pang. Marcos sa ARTA para isulong ang maayos at episyenteng pamamahala at siguruhing bantayan ang ease of doing business sa government agencies.

Nakasaad pa sa pahayag ng naturang opisina ang tiwala nito sa kakayahan ng pangulo at ng kaniyang team para tuluyang malagpasan ang mga hamon sa kasalukuyang administrasyon.

Kasabay nito ay hinimok ng ARTA ang publiko na tugunan ang anumang hinaing o problema sa mapayapa at legal na paraan, at magtiwala sa kakayahan ng mga korte, prosecution, at law enforcement agencies.

Umapela rin ito sa government stakeholders na i-angat ang lebel ng pagsisilbi at serbisyo-publiko, at ipakita na ang pamamahala ay hindi lamang simpleng ‘business as usual’ kung’di ‘business’ na nagpapakita ng kakayahan, pananagutan, at may integridad.

Giit ng naturang opisina, ang konsepto ng ‘whole of the nation approach’ ay hindi lamang isang nakasulat na prinsipyo kung’di isang realidad na nadarama at nasasaksihan ng mga Pilipino.