-- Advertisements --
Sinampahan ng kasong assault si New Jersey Democratic Congresswoman LaMonica McIver.
Kasunod ito naganap na mainit na komprontasyon ng mambabatas sa mga officers na nakatalaga sa labas ng immigration and detention center.
Ayon kay Alina Habba, ang interim US attorney, na hindi naging maganda ang tugon sa kanila ang ginawa ng mambabatas sa kanilang mga bantay.
Kasabay din nito ay inanunsiyo ni Habba na kanilang ibabasura ang kasong trespassing laban kay Newark Mayor Ras Baraka na isa ring Democratic.
Magugunitang nagkaroon ng tensyon noong Mayo 9 ng bisitahin nina Mclver at Baraka kasama ang iba pang mga katao sa Immigration and Customs Enforcement (ICE) center sa Newark.