DAGUPAN CITY- Nasa 4.9 feet above normal level na ang Marusay River sa bayan ng Calasia, Pangasinan.

Ayon sa pinakahuling tala ng MDRRMO , malapit ng maabot ang alarm level na 5 feet above normal level.

Hindi na gaanong ramdam ang epekto ng habagat sa Calasiao subalit patuloy ang pagtaas ng lebel ng tubig sa ilog.

Ang Marusay River ay mahigpit na binabantayan ng mga otoridad kapag may kalamidad.

Bukod sa mga barangay nakaalerto na rin ang mga paaralan sa bayan sa posibleng epekto ng habagat.

Ayon sa MDRRMO, kailangan na maging alerto at maging mapagmatyag ang mga residente para sa posibleng maging epekto ng pag-ulan.