Patungo na sa West Philippine Sea ang bagyong Maring ngunit patuloy na mananalasa sa Northern Luzon dahil sa lawak ng sirkulasyon nito.
Sa nakalipas na magdamag, naranasan sa Northern Luzon ang matinding ulan at hangin na dala ng severe tropical storm.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 170 km kanluran ng Calayan, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 100 kph at may pagbugsong 125 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 20 kph.
Signal No. 2:
Batanes, Cagayan, kasama na ang Babuyan Islands, northern portion ng Isabela, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Abra, Ilocos Norte at Ilocos Sur
Signal No. 1:
Nalalabing bahagi ng Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Ifugao, Benguet, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, northern portion ng Bataan, northern portion ng Quezon, kasama na ang Polillo Islands