Kinumpirma ng White House na gaganapin sa Anchorage, Alaska ang nakatakdang pagkikita nina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin.
Ayon kay White House press secretary Karoline Leavitt , na kanilang inaayos ang ilang mga detalye sa nasabing pagpupulong.
Hindi naman nito kinumpirma kung makakasali ba sa pagpupulong si Ukrainian President Volodymyr Zelensky.
Itinuturing din ng White House na ang pulong ay isang “listening exercise” dahil sa isang partido lamang umano ang dadalo sa nasabing pulong.
Hindi naman nila binanggit kung isusulong ni Trump ang pagkakaroon ng ceasefire deal sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Magugunitang isinusulong ng European Union na dapat kasama ang pangulo ng Ukraine sa pulong para tuluyang maisakatuparan ang ceasefire deal.