Hinamon ni House Deputy Speaker at Antipolo Representative Ronaldo Puno si Senate President Chiz Escudero na pangalanan ang mga nasa likod ng umanoy demolition job sa kanya at huwag blanket o gumawa ng sweeping statement laban sa Kamara.
Batay sa alegasyon ni Escudero, ang may pakana ng demolition job laban sa kanya ay ang mga nagsusulong ng impeachment at mga nasaktan nang hindi umusad ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Puno, dapat tukuyin ni Escudero kung sinong mga mambabatas ang nasa likod ng umanoy demolition job laban sa kanya dahil hindi patas na makaladkad ang buong Kamara sa isyung ito.
Ayon kay Puno, madaling ituro ang Kamara sa kung ano-anong alegasyon subalit wala namang ipinapakitang patunay.
Inihalimbawa ni Puno ang 2025 national budget kung saan isinisisi sa Kamara ang umanoy mga insertion sa pambansang budget.
Pero sa katunayan nang mapagtibay ang General Appropriations Bill, nailipat sa DPWH ang malaking porsiento ng budget at nakaltasan ang budget ng DepEd na malayo sa version ng Kamara.