Aminado ang Department of Energy (DOE) na ang malawakang pagbaha dulot ng mga nagdaang bagyo at habagat ang naging pangunahing hadlang para sa mabilis na panunumbalik ng kuryente sa mga komunidad sa bansa na sinalanta ng matinding pag-ulan.
Kung saan naantala umano ng baha ang mga linemen at power utilities sa pag-access sa mga sirang linya at madalas na tumatagal ng pa ng ilang araw o linggo bago maibalik ang serbisyo.
Batay sa datos ng ahenya umabot sa 506 kabahayan sa Bulacan ang nananatiling walang kuryente hanggang noong Hulyo 31, limang araw matapos lumabas ng bansa ang mga nagdaaang bagyo.
Habang sa Pangasinan naman, umabot din sa limang araw ang pagkawala ng kuryente sa ilang binahang lugar.
Paliwanag ni DOE Undersecretary Felix William Fuentebella na ang pagbabalik ng kuryente ay hindi lamang pagsasaayos ng mga sirang linya, kundi pagtiyak sa kaligtasan ng mga manggagawa at mamamayan.
Aniya, kailangang hintayin munang bumaba ang tubig upang maiwasan ang panganib ng electrocution at pagkasira ng kagamitan.
Bukod sa kuryente, naaapektuhan din ng baha ang operasyon ng mga gasolinahan at iba pang serbisyo, na maaaring makaapekto sa transportasyon, kabuhayan, at supply chain.
Hinimok naman ng DOE ang publiko na makiisa sa pagpapanatili ng kaligtasan, iwasang lapitan ang mga binahang electrical facilities, at i-report ang mga naputol na linya.
‘As the President rightly pointed out, this is a problem we must address not only for immediate recovery but for long-term resilience. The DOE is committed to working with power utilities, local governments, and national agencies to improve our readiness and restore power as soon as it is safe.’ ani Fuentebella.