-- Advertisements --

Sinimulan na ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Tourism (DOT) ang expansion ng Siargao airport terminal.

Sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon na ang pre-departure seating capacity ng paliparan ay pinalawig ng 750 pasahero mula sa dating 200.

Bukod pa dito ay mayroong anim na check-in counters para ang idinagdag para maging komportable ang mga pasahero.

Inaasahan na matatapos na ang nasabing proyekto ng hanggang sa susunod na taon.