-- Advertisements --

Lalakas pa ang bagyong Maring bago tumama sa Northern Luzon sa susunod na linggo.

Ito ang sinabi ni Chris Perez ng Pagasa, kasunod ng patuloy na pagkilos ng naturang sama ng panahon habang nasa silangan ng Pilipinas.

Huli itong namataan sa layong 595 km sa silangan ng Virac, Catanduanes o 540 km sa silangan ng Catarman, Northern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.

Kumikilos ito nang patimog sa bilis na 10 kph.

Pero inaasahang magbabago ang direksyon nito patungo sa Hilagang Luzon sa mga susunod na araw.

Maliban dito, may isa pang low pressure area (LPA) na binabantayan sa silangan ng Luzon, ngunit ito ay malayo pa at walang anumang epekto sa ating bansa.