Ikinalugod ng Marcos administration ang ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) hinggil sa pagbaba ng poverty incidence sa unang first semester ng 2023.
Kumpiyansa naman ang Malakanyang na hindi malayong makamit ang single-digit poverty level sa taong 2028.
Batay sa ulat ng PSA ang poverty incidence sa mga pamilya ay bumaba sa 16.4 percent sa unang first semester ng 2023 mula sa 18.0 percent sa kaparehong period nuong 2021 na may katumbas na 230,000 households na umiiwas sa kahirapan.
Bagamat bumaba ang poverty incidence sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), nananatili itong pinakamataas sa bansa.
Ayon naman kay Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan ang pagbubukas ng ekonomiya mula sa Covid-19 restrictions ang siyang naging daan para makarekober ang bansa.
Sinabi ni Balisacan sa unang tatlong quarters ng 2023, ang Pilipinas ay nagpakita ng remarkable resilience sa kabila ng mga hamon.
Dagdag pa ni Balisacan, malaking tulong ang mga ipinatupad na interventions ng pamahalaan para maibsan ang kahirapan gaya ng Targeted Cash Transfer Program, fuel subsidy, one-time rice allowance, at Libreng Sakay Program.
Sinisiguro ni Balisacan na ang magpapatuloy ang administrasyong Marcos na epektibong ipatupad ang ibat ibang inisyatibo at intervention partikular sa social sector.