-- Advertisements --

Posibleng isailalim sa polygraph test ng National Bureau of Investigation (NBI) ang driver ng yumaong dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Maria Catalina Cabral kung hindi kumbinsido ang mga imbestigador sa kanyang mga pahayag, ayon kay NBI Spokesperson Atty. Palmer Mallari.

Ayon sa NBI, ginagamit ang polygraph bilang investigative tool ngunit hindi ito maaaring gawing ebidensya sa korte.

‘Ang polygraph examination po kasi is an investigative tool, as far as investigator concerned marami na tayong na solve na kaso.., Bagama’t ito’y hindi po magagamit na aktuwal na ebidensya pagdating sa pagpa-file ng kaso,’ ani Mallari.

Natanong din ang NBI kung mayroon na silang impormasyon sa kinaroroonan ng driver ni Cabral, sagot ni Atty. Mallari walang impormasyon ang NBI kung nasaan ito.

‘Hindi po kasi siya under ng custody ng NBI, nung mag-conduct ng search warrant operation saka no’ng makuhaan po siya ng statement, wala naman pong dahilan para i-take ang custody ng NBI yung driver,’ pahayag ni Mallari.

Sa kabila nito nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng NBI sa mga ebidensyang nakalap nila mula sa hotel room ni Cabral bago ang kanyang pagkamatay.

Ayon sa mga awtoridad, mahalaga ang mga dokumento at gamit na nakumpiska, habang nilinaw na walang iniwang suicide note ang dating opisyal. Bagama’t may mga palatandaang tumuturo sa suicide, sinabi ng NBI na hindi pa tapos ang imbestigasyon.

Samantala, inatasan na ng Office of the Ombudsman ang DPWH na isumite ang lahat ng gudgets at computer na ginamit ni Cabral kaugnay ng hiwalay na pagsisiyasat.