Indonesia Joko Widodo
Indonesian President Joko Widodo

Ilang daang katao na sa Indonesia ang ikinulong dahil sa marahas na kilos protesta matapos ang halalan.

Karamihan sa mga nagkilos protesta ay hindi sang-ayon sa muling pagkapanalo ni President Joko Widodo para sa ikalawang termino.

Gumamit na ng tear gas ang mga kapulisan para tuluyang mabuwag ang mga nagsagawa ng kilos protesta.

Nauna rito, umabot na rin sa anim katao ang namatay bunsod nang malawakang demonstrasyon at mahigit 200 na ang ikinulong.