-- Advertisements --

Pinasalamatan ng maraming bansa ang pagpayag na ng Taliban na magkaroon ng commercial flights.

Nakarating na kasi sa Qatar ang kauna-unahang commercial flight mula Afghanistan.

Ito ang unang flight ng sakupin ng Taliban ang pamumuno sa Afghanistan mula ng inilikas na ng US ang kanilang mamamayan noong nakaraang buwan.

Ilan sa mga pasahero ay mula Canada, Ukraine, Germany, Britain at US.

Ito rin ang hudyat na pagpayag na ng Taliban sa mga foreign nationals na nasa Afghanistan na lumikas na.

-- Advertisement --

Isa si Qatar deputy prime minister at foreign affairs minister Sheikh Mohammed bin Abdulrahman Al-Than ang natuwa sa desisyon na ito ng Taliban.