Nakataas na sa signal number ang maraming lugar sa bansa matapos na makapasok sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Uwan.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakita ang sentro ng bagyo sa may Silangang bahagi ng Eastern Visayas.
May taglay pa rin ito ng lakas ng hangin ng 120 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 150 kph.
May bilis ito na 20 kph at gumagalaw sa direksyon ng West northwestward.
Ang mga lugar na nasa signal number 1 ay kinabibilangan ng mga : Divilacan, Palanan, Dinapigue, San Mariano, San Guillermo, Echague, Jones, San Agustin sa Isabela;Maddela, Nagtipunan sa Quirino; Alfonso Castañeda sa Nueva Vizcaya; Aurora; Tanay, Pililla, Jala-Jala sa Rizal; Luisiana, Mabitac, Liliw, Majayjay, Paete, Pagsanjan, Rizal, Pangil, Santa Maria, Siniloan, Nagcarlan, Cavinti, Kalayaan, Lumban, Magdalena, Victoria, Pakil, Santa Cruz, Pila, Famy sa Laguna; Tagkawayan, Guinayangan, Calauag, Lopez, Buenavista, Catanauan, Mulanay, San Narciso, San Andres, San Francisco, Pitogo, Lucena City, Pagbilao, Infanta, Unisan, General Luna, Plaridel, Quezon, Alabat, Lucban, Sampaloc, Padre Burgos, City of Tayabas, Macalelon, Mauban, General Nakar, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, Sariaya, Candelaria sa Quezon kasama na ang Polillo Islands, Romblon, Marinduque, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Catanduanes, Sorsogon, Masbate kasama ang Ticao and Burias Islands.
Kabilang din ang mga lugar ng : Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte; Medellin, Daanbantayan, City of Bogo, Tabogon, San Remigio, Tabuelan, Borbon, Sogod, Tuburan, Catmon, Carmen, Danao City, Compostela, Liloan, Consolacion, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Cordova, Asturias, Cebu City, Balamban, City of Talisay, Toledo City, Minglanilla sa Cebu; kasama na ang Bantayan at Camotes Islands; Getafe, Talibon, Buenavista, Trinidad, San Miguel, Ubay, Alicia, Mabini, Bien Unido, Pres. Carlos P. Garcia sa Bohol; City of Escalante, Toboso, Sagay City, Cadiz City, Calatrava, Manapla, City of Victorias, Enrique B. Magalona, Silay City, City of Talisay sa Negros Occidental; Carles, Estancia, Balasan, San Dionisio, Concepcion, Batad, Sara, Ajuy, Barotac Viejo, San Rafael, Lemery sa Iloilo;President Roxas, Pilar, Panay, Pontevedra, Ma-Ayon, Cuartero, Dumarao, Dao, Panitan, Roxas City, Ivisan, Sigma, Sapi-An, Mambusao, Dumalag, Jamindan sa Capiz at sa Aklan.
Ang nasabing mga lugar ay makakaranas ng malalakas na pag-ulan at hanging na may banta ng storm surge.
Inaasahan na magla-landfall ang bagyong Uwan sa southern Isabela o northern Aurora ng gbai ng linggo (Nobyembre 9) o madaling araw ng Lunes, Nobyembre 10.
Maaring umabot sa super typhoon category ang bagyo nitong Sabado ng gabi o Linggo ng umaga Nobyembre 9.
Patuloy na pinapaalerto ng PAGASA ang mga bayan na dadaanan ng bagyo dahil sa dulot nitong lakas ng hangin at pag-ulan.
















