Pumanaw na ang Malaysian kidnap victim na nailigtas mula sa kamay ng Abu Sayyaf group (ASG) sa Banguingui, Sulu noong nakaraang linggo.

Ayon sa Western Mindanao Command, kinilala ang biktimang si Jari Bin Abdullah na namatay dahil sa sugat mula sa tama ng baril noong isagawa ang rescue operations.

Nalagutan ito nang hininga sa West Metro Medical Center sa Zamboanga City matapos na magdesisyon ang mga kaanak nito na alisin na ang kaniyang life support system.

Sinaksihan din ng Malaysian Consul General ang pagpanaw nito.

Si Abdullah ay dinukot kasama ang dalawa pang mangingisda noong Disyembre 6, 2018.