Inanunsiyo ng grupong Manibela na magsasagawa sila ng malawakang kilos-protesta sa Abril 15.
Sinabi ng kanilang pangulo na si Mar Valbuena na layon ng nasabing kilos-protesta ay bilang pagkontra sa PUV modernization program kung saan papalapit na ang consolidation deadline nito sa Abril 30.
Dagdag pa nito nakipagpulong na sila sa mga iba’t-ibang chapter kung saan sa a-15 at 30 ng Abril ay nasabing balak na kilos protesta.
Kinailangan nilang bumalik sa kalsada aniya dahil sa ibinasura ng korte ang mga petisyon nila na nagkukuwestiyon at pumipigil sa nasabing modernization program.
Nakasaad sa nasabing PUV moderinzation program na kailang mag-consolidate at maging miyembro sa kooperatiba ang mga jeepney drivers at operators.
Hindi sang-ayon dito ang Manibela kung saan may ilang miyembro pa nila ang umatras na sa consolidation.