Thailand
-- Advertisements --

Ilang libong mga protesters ang nagtungo sa kalsada ng central Bangkok para ipanawagan ang pagbibitiw ni Prime Miniser Prayuth Chan-ocha.

Itinuturing na ito na ang pinakamalaking kilos protesta na ginanap sa nasabing lugar kahit na binalaan sila ng mga otoridad na huwag ituloy dahil sa pangamba ng pagkakahawaan ng COVID-19.

Noong buwan pa ng Hunyo ay ilang kilos protesta na ang ginanap at nanawagan sa pagbibitiw ng kanilang prime minister dahil sa bigong pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Noong nakaraang mga buwan din ay nagkasagupa na ang mga protesters at kapulisan kung saan ginamitan na sila ng mga rubber bullets at tear gas.